^

PSN Opinyon

Governor, nagalit nang hindi naibalita ang pagtungo sa Senado

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nagalit ang isang governor nang hindi lumabas sa mga balita ang pagtungo niya sa Senado?

    Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Rep. Mark Cojuangco, Atty. Eddie Jara, Rolando Tacub, Bro. Edwin Costes, Bro. Sherwin Pua, Rommel “jurot” Manaois at Florante Rosales ng DZRH. Nakikiramay ako sa pagyao ni dating DOTC Sec. Larry Mendoza.

Alam n’yo bang napagalitan ng isang governor ang kan­yang PR man nang hindi lumabas sa mga balita ang kanyang pagiging resource person sa isang committee hearing sa Senado? Si Governor ay naging resource person sa hearing ng Senate Committee on Local Government  tungkol sa postponement ng Sangguniang Kabataan (SK) election. Siya kasi ay matagal-tagal ding naging lider ng mga kabataan.

Ayon sa aking bubwit, nagsimulang magpaliwanag si  Governor sa nasabing isyu ng 10:00 a.m. hanggang alas- 12:30 p.m. at kinober pa ng mga print at broadcast reporters sa Senado. Dahil sa haba ng paliwanag ni governor sa isyu ng SK election, inaasahan niyang lalabas ito sa mga balita. Subalit hindi lumabas. Natabunan ang isyu ng SK election dahil sa statement ni dating Sen. Joker Arroyo na nagsabing illegal ang DAP.

Ayon sa aking bubwit, pinagalitan ni Governor ang kan-yang staff dahil nasayang lamang daw ang kanyang oras sa Senado. Inabangan pala ni Governor sa TV at mga diyaryo ang pagtungo nito sa Senado pero hindi naibalita. Ang governor na nagalit ay si Governor M. as in Mataray.

AYON

EDDIE JARA

EDWIN COSTES

FLORANTE ROSALES

GOVERNOR

GOVERNOR M

JOKER ARROYO

LARRY MENDOZA

LOCAL GOVERNMENT

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with