^

PSN Opinyon

Kulong, asset freeze dapat kapag may kasong plunder

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

UNANG batch pa lang umano ang tatlong senador at limang congressmen na hinabla ng plunder at malversation dahil sa pagbubulsa ng daan-daang milyong-pisong pork barrel funds.

Kapag makitaan ng Ombudsman ng probable cause, kulong agad habang nililitis sa non-bailable plunder sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla, at dating Reps. Rizalina Seachon-Lanete (Masbate), at Edgar Valdez (party list). Pero maari silang makapag-bail kung sa unang pananaw ng Sandiganbayan ay mahina ang ebidensiya laban sa kanila.

Ang mga kinasuhan ng malversation, makukulong kapag napatunayang guilty: dating Reps. Rodolfo Plaza (Agusan del Sur), Samuel Dangwa (Benguet), at Cons­tantino Jaraula (Cagayan de Oro).

Bago pa man ang kulong, malamang ay ma-freeze na ang assets nila. E kung si Janet Lim Napoles na kasapakat umano sa “pork” scam ay inipit na ng Court of Appeals ang assets, di lalo na ang mga opisyales na pinagkatiwalaan sana ng mamamayan ng kanilang pera.

Mahusay na abogado si Enrile, at bantog na hindi pa natatalo sa anumang kaso. Asahang gagamitin niya ang lahat ng legal na taktika para makaiwas sa kulong, sa pamamagitan ng bail, habang nagta-trial. Pangalawang beses na ni Estrada makasuhan ng plunder. Nu’ng una, kasama ang ama na sinibak na President Joseph Estrada, nakapag-bail siya, tapos na-acquit.

Ang mga chiefs of staff nina Enrile, Estrada. at Revilla ay nagsipag-alis na sa Pilipinas para iwasan ang kasong plunder o maaring pagtestigo. Sa batas, tinuturing na bahid ng pagka-guilty ang pagtatago mula sa korte.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BONG REVILLA

COURT OF APPEALS

EDGAR VALDEZ

ENRILE

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

RIZALINA SEACHON-LANETE

RODOLFO PLAZA

SAMUEL DANGWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with