^

PSN Opinyon

P466 daily minimum wage sa NCR

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

INIHAYAG kamakailan ng Department of Labor and Employment (DoLE) na magiging P466 na ang minimum na suweldo kada araw ng mga ordinaryong manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region. Ayon sa ahensiya, ito ay alinsunod sa Wage Order No. 18 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na magiging epektibo simula Enero, 2014.

Sinabi ni DoLE Secretary Rosalinda Baldoz na P10 ang magiging dagdag sa daily minimum wage, at ito umano ang ika-12 nang pagtaas ng suweldo sa rehiyon sa nakalipas na 14 na taon. Mula umano noong 1999 ay may kabuuang P268 na ang itinaas ng minimum wage sa NCR.

Hindi umano sakop ng bagong wage order ang household service workers o mga kasambahay at mga nagbibigay ng personal na serbisyo tulad ng family drivers, gayundin ang mga nasa barangay micro-business enterprise.

Iginigiit naman ng mga manggagawa na lubhang napakababa ng bagong wage increase laluna sa harap ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga batayang gastusin tulad ng bigas, gasolina, tubig at kuryente at iba pa.

Marami rin umanong kumpanya ang hindi nagbibigay ng tamang pasahod o kaya naman ay umiiwas sa pagsunod sa wage increase. Napag-alaman umano mula sa DoLE Labor Statistics na  61.7% lang ang compliance rate o pagtalima ng mga kumpanya sa NCR sa ipinatutupad na wage increase.

Ayon kay Senator Jinggoy Ejercito Estrada, habang ipinupursige ang mas mataas pang suweldo at mga benepisyo para sa mga manggagawa ay makabubuti ring tiyakin ng DoLE ang mahigpit na pagpapatupad ng bawat wage increase at ang pagtalima rito ng mga kompanya.

 

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR STATISTICS

NATIONAL CAPITAL REGION

REGIONAL TRIPARTITE WAGES AND PRODUCTIVITY BOARD

SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

SENATOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA

WAGE

WAGE ORDER NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with