EDITORYAL - Delikadesa
BIHIRA na ang government official na may delikadesa ngayon. Mabibilang na sa daliri. At isa rito si National Bureau of Investigation (NBI) Director Nonnatus Rojas. Nagbitiw si Rojas noong Lunes makaraang ihayag ni President Aquino noong Linggo na may dalawang mataas na opisÂyal ng NBI ang nag-tip kay Janet Lim-Napoles, umano’y “utak†ng P10-billion pork barrel scam na aarestuhin na ito. Sabi pa ng Presidente ang dalawang NBI officials ay may koneksiyon sa dalawang senador na sangkot sa pork barrel scam. Ang dalawa ang nagsisilbi umanong “mata†ng mga senador sa NBI. Nang sumuko si Napoles kay Aquino, sa halip na sa NBI ipagkatiwala, sa Philippine National Police (PNP) ito dinala. Mayroon daw “less trustworthy†officials sa NBI.
Irrevocable resignation ang inihain ni Rojas. Wala nang bawian. Pero sabi ni Justice Secretary Leila de Lima, hihilingin niyang huwag tanggapin ng Presidente ang pagbibitiw. Hindi naman daw si Rojas ang tinutukoy ng Presidente na mga hindi mapagkakatiwalaang opisyal sa NBI. Pero sigurado na raw si Rojas sa pagbibitiw nito. Inaako ni Rojas ang lahat nang responsibilidad. Siya ang dapat magsakripisyong umalis sa puwesto. Kahapon, isa pang NBI official ang nagbitiw.
Pagpapakita ng delikadesa ang ginawa ni Rojas. Tama lang ang ginawa niya at hindi siya dapat pigilan ni De Lima. Kung ang lahat nang government official ay tulad ni Rojas na may delikadesa, magiging maayos ang pagpapatakbo ng gobyerno. Kailangan ang mga government official ay may “hiya†at hindi “walang hiyaâ€. Hindi rin “kapit-tuko†sa puwesto.
Mayroong opisyal na inaakusahang nagsugal sa casino pero “kapit-tuko†pa rin sa kanyang posisyon. Mayroong opisyal na lantarang hiniya sa SONA noong Hulyo pero hanggang ngayon ay nasa puwesto pa rin at walang ginagawang pagbaÂbago sa kanyang departamento.
Mabibilang na ang mga opisyal na may deliÂkadesa at mas nakalalamang ang mga “kapit-tuko†at “buwayaâ€.
- Latest