^

PSN Opinyon

Ang PNP - CIDG sa Baguio

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG hindi kayang ipasara ang mini casino ni Patrick dyan sa Baguio dahil pakaang-kaang diumano ang mga bata ni Baguio PNP - CIDG Supt. Harold Ramos, ang batang sarado ni Sr. Supt, Lacadin, chief of staff ni CIDG Director Frank Uyami Jr., kaya naman patuloy ang pamamayagpag ng ‘sugalan blues’  kahit nagdeklara si Gen. Frank na ‘no take policy’ sa mga tauhan nito regarding sa lahat ng uri ng vices sa Philippines my Philippines.

Hindi biro ang mini - casino ni Patrick sa Baguio dahil hindi birong sugal ang nilalaro ng mga sugarol sa kanyang lungga tulad ng high-low, poker at ang walang kamatayan montehan.

Ang operasyon ni Patrick sa kanyang mini-casino ay 24/7  ang sugalan dito at safety pang maglaro sa nasabing lugar dahil tambak daw ang mga lespiak na nakapatong sa sugalan na nagpapalaki ng mga ‘bayag.’; Take note, CPNP Allan Purisima, Sir!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas dumami ang parokyano ni Patirck mula ng pabanatan niya ang montehan ni Karate Kid sa Trinidad, Benguet sa mga kasangga niyang mga lespiak dahil ang mga manunugal dito ay lumipat sa teritoryo ng una matapos itong magsara sa utos ng local police at ng bagong Mayor.

Hindi biro ang lugar ni Patrick sa Baguio isa itong building at bawat palapag ay may iba’t-ibang klase ng sugal tulad ng monte, high-low at poker kaya naman ang grabe as in terible ang mga sugarol sa mini-casino nito. Tama ba, Col.Ramos, Sir?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung totoong may sugalan si Patrick sa Baguio bakit hindi ito alam ng CIDG central office sa Crame? tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Secret nga ito, Kamote ?’ sagot ng kuwagong CO2 - 10 sa Aguinaldo.

‘Sino ang kumukuha ng tara para sa lespiak?’

‘Kamote, iyan ang itanong mo sa kanila.’

Abangan.

Ningas - cogon proyekto ng LGU’s

LAST Sunday until early morning yesterday,  naranasan muli ng mga taga - Metro Manila ang baha sa mga mabababang places dito at muli naman nangamba ang gobierno sa mga informal settler na malapit sa mga ilog at mabababang lugar.

Sabi nga, ‘danger zone!’

Sabi ng gahasa este mali PAGASA pala na walang bagyo sa Metro - Manila ito ay dahil sa habagat na hinila o itinulak ng bagyong si Maring kaya naman walang tigil ang ulan for the last two days.  Buti na lamang kahit may ulan ay hindi ito gaanong malakas at patigil - tigil pa ang rain drops keep falling on my head kaya naman ang tubig baha ay hindi gaanong nakaapekto ng malaki sa madlang people ng Metro-Manila at karatig places puera na lamang doon sa mga mabababang lugar.

Kambiyo issue, dahil sa walang tigil na ulan nangamba ang mga taga - Local Government sa kanila mga alagad sa kanilang lugar at walang humpay nilang minonitor ang situation the other day at kahapon ng madaling araw dahil biglang tumaas ang tubig baha sa mga lugar na mabababa maging ang Marikina river ay walang humpay nilang minamanmanan.

Sa Pasay City, mukhang wala sa plano na i-relocate ang mga informal settler dito kaya naman dahil sa taranta ay puewersahan nilang pinalikas ang mga family still living sa mga “danger zones.”

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 84 family sa 10 barangays ang itinapon este mali pinapunta pala  sa iba’t ibang evacation centers tulad ng mga “gymnasium, day care centers, at mga barangay halls.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ang mga family ay nakatirik sa Maricaban creek at Tripa de Galina.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng humina ang patak ng ulan ay biglang nagsibalik sa kanilang mga haybol ang mga pinalikas na pamilya pero ang mga ito ay mabilis na binabo este mali itinaboy pabalik sa mga evacuation center para sa sarili nilang kaligtasan.

Abangan.

ABANGAN

ALLAN PURISIMA

AYON

CRAME

DAHIL

DIRECTOR FRANK UYAMI JR.

HAROLD RAMOS

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with