^

PSN Opinyon

Palakasin ang youth apprenticeship program

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

ISINUSULONG ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang Apprenticeship Training Act of 2013 (Senate Bill 136) na magpapalakas ng youth apprenticeship program o pagsasanay ng mga kabataan sa trabaho.

“Masyado nang dumarami ang mga kabataang nahihirapang makakuha ng trabaho kundi man tuluyang nagiging unemployed, at isa sa pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan ng kanilang kaalaman at kasanayan sa nais nilang maging hanapbuhay,” ayon kay Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

Malaking tulong aniya para masolusyunan ito ay sa pamamagitan ng apprenticeship program kung saan ang mga kabataan ay mabibigyan ng pagkakataong sumailalim sa training sa trabaho at kompanyang nais pasukan.

Ilan sa mga benepisyo ng apprenticeship program ay:

A. Para sa mga kabataan:

Inisyal na kaalaman, kasanayan at pamilyarisasyon sa trabaho.

Training Certificate.

Training allowance.

Equivalent unit credits para sa tertiary degree courses kung magtutuloy sila ng pag-aaral sa kolehiyo.

System of Equivalency – ang mga apprenticeship graduate ay exempted na sa probationary employment at sa halip ay magiging regular employee na agad kapag ni-retain sila ng kompanya.

B. para sa mga kumpanya at industriya:

Maagang pagkilala at pagkagamay sa mga potensiyal na magiging empleyado.

Tax incentives.

Malawak na pool of trained workers.

Ayon kay Jinggoy, “The government recognizes the importance of the apprenticeship programs in providing the youth with skills and access to employment. On the other hand, industry associations see the apprenticeship program as a mechanism that would ensure a continuous supply of skilled workers.”

Para rito aniya ay ma­ latungkulin ang ga­gam­pa­nan ng Technical Edu­­cation and Skills De­velop­ment Au­thority (TESDA) na pa- ­ngu­­­ nahing  responsable sa ap­prenticeship pro­gram ad­ mi­nistration, mo­nitoring and evaluation.

Sinabi ni Jinggoy na kailangang lalo pang pala­kasin at palawakin ang  programa upang mas ma­ra­ming kabataan at kompanya ang makalahok at makinabang dito.

 

APPRENTICESHIP

APPRENTICESHIP TRAINING ACT

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

SENATE BILL

SENATE COMMITTEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with