^

PSN Opinyon

Paging QC City Engr.

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SANA’Y paki-check ng City Engineer ng kyusi itong sinasabing mapanganib na gusali na itinatayo diyan sa Santolan Road.

Ilang residente ng Quezon City ang nakiusap sa atin na tawagan ko ng pansin ang local na pamahalaan ng QC, partikular ang City Engineer’s Office dahil sa naturang gusali na pinagdududahan ang tibay.

Ayon sa ilang concerned citizens, ang  itinatayong 5-palabag na gusali ay puwedeng magsapanganib sa mga mamamayan ano mang oras. Hindi pa natatapos ang konstruksyon nito na  nasa isang 300-square meter lot sa 235 Santolan Road. 

Hinihinala na “sub-standard” ang mga ginamit na construction materials sa gusali. 

Anang mga nangangambang residente, ang gusali  ay medyo nakatagilid pakaliwa na maaaring bumagsak sa kaunting pagyanig o malakas na hanging dulot ng bagyo. Inirereklamo na ang gusali ay walang tinatawag na “5-meter setback” na rekisitos ng building code sapagkat ito’y ginagawa mismo sa tabi ng national highway.

Wala rin umano itong nakapaskel na pangalan at bilang ng PRC license ng contractor, architect at engineer.  Wala  ring karatula tungkol sa numero ng building permit. Ayon pa rin sa kanila,  makikitid ang pasilyo  at hagdan ng gusali.

Higit na kapuna-puna rin daw ang kawalan ng safety nets sa paligid ng gusali at walang  pinasusuot na protective gears sa mga construction workers.

Baka lang hindi pa napapansin ito ni Mayor pero kapag personal niyang nakita ito’y malamang ipatatawag niya kanyang Building Permit  Adminsitrator Isagani Verzosa, upang magpaliwanag at gumawa ng kaukulang aksyon bago magka-aksidente.

Umaasa tayo na maaagapan ang pro-blemang ito bago maganap ang ano mang aksidente . Sana rin ay isa la­mang oversight ito na kapag nakatawag ng pansin sa pa-mahalaan ay agad aaksyonan.

Sana’y wala ring iregularidad sa pag-iisyu ng building permits  para hindi isipin ng tao na may korapsyon na nagaganap.

 

ADMINSITRATOR ISAGANI VERZOSA

AYON

BUILDING PERMIT

CITY ENGINEER

GUSALI

QUEZON CITY

SANA

SANTOLAN ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with