^

PSN Opinyon

Reyna sa Adwana?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi pa hinambalos ni Presidente Aquino ang  talamak na smuggling sa Bureau of Customs, hindi ito magiging usap-usapan sa kalye. Nagtatanong ang taumbayan, seryoso ba ang administrasyon na linisin ang adwana? Aba eh dapat!

Pero bago mapabilib si Juan dela Cruz, dapat gumawa ng  “no-nonsense” reform. Walang dapat santuhin. Tutukan ang lahat ng mga district collectors at yung may ginagawang kabalbalan ay sibakin at palitan ng matitino.

  Isang halimbawa ang sinasabing “latak ng nakaraang Arroyo administration”. Napakalakas daw nitong lady district collector na ito  sa isang impluwensyal na cabinet member ni dating Presidente (now Pampanga Rep) Gloria Arroyo. Ang naturang cabinet secretary daw ang nagpasok para maging District Collector ng MICP sa ilalim ng isang dating Commissioner ng BoC. Kaya ang bansag sa lady collector ay “Reyna ng Adwana.”

Malakas din daw ang kapit niya sa dating commissioner at hangga ngayon ay may bulong-bulongan pa rin na may mga milagrong ginawa ang tambalang EMENEM.

Kabilang umano dito ang tungkol sa isang tugboat at 10 barges mula sa isang Belgian company na kasama sa  P18.7 bilyon kontrata sa Laguna Lake Rehabilitation Project. Hindi pinalusot ito ni Presidente Noy at agad kinansela dahil ito’y isang maanomalyang midnight deal ng nagdaang administrasyon.

Ayon sa BoC insiders, pinagbayad lang ng district collector ang isang Belgian company ng P229 milyon gayung ang dapat singilin ay P1.6 bilyon base sa aktuwal na appraised value ng tugboat at barges. Malakas nga ang ugong na tumabo pa daw ng P39 milyon ang collector at mga katropa. Pabuya siyempre ng Belgian firm.

  Ito kaya ay isa sa mga dahilan ng mariing pagkastigo ni Presidente Noynoy sa mga taga-Customs? Pinagbitiw ni Commissioner Ruffy Biazon ang mahigit 50 District Collectors at sub-port collectors bilang bahagi ng malawakang pagbalasa. Magsasagawa din daw ng lifestyle check sa mga opisyal ng adwana upang matukoy iyong mga biglang yumanan dahil sa kanilang puwesto.

Isa marahil ang kasong ito sa mga dapat busisiin ni Commissioner Biazon. Dapat lang matumbasan ng mahigpit na pagsubaybay at matinong pamamahala ang patuloy na kumpiyansa sa kanya ni Presidente PNoy.

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER BIAZON

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DISTRICT COLLECTOR

DISTRICT COLLECTORS

GLORIA ARROYO

ISANG

LAGUNA LAKE REHABILITATION PROJECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with