EDITORYAL - Pinaka-corrupt
SA latest Global Corruption Barometer survey ng Transparency International (IT), ang Philippine National Police (PNP) ang pinaka-corrupt na institusyon sa bansa. Lumabas sa survey na 69 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang corrupt ang police personnel.
Hindi na nakapagtataka ang ganitong survey sapagkat noon pa, marami nang dungis ang uniporme ng mga pulis. Sa kabila na walang tigil ang pagreporma ng mga nagiging hepe ng PNP sa kanilang mga tauhan, patuloy pa rin ang hindi kanais-nais na gawain. Maraming pulis ang sangkot sa katiwalian. Pawang pangongotong ang kanilang nalalaman. Pawang para sa “bulsa†ang kanilang inaatupag at saka na lang ang sinumpaang pangako na “magliÂlingkod at poprotektahan†ang mamamayan.
Kamakailan, nagkaroon ng plano ang PNP na palitan ang kanilang asul na uniporme. Sabi ng PNP, maalinsangan na raw sa katawan ang kasalukuyang uniporme ng mga pulis kaya nararapat nang palitan. Totoo naman siguro yun, pero sa aming pakiwari, kaya gustong palitan ay para mabura sa isipan ng mamamayan ang masamang imahe ng PNP. Kung mapapalitan, maaaring magbago ang pagtingin at hindi na katakutan ang mga pulis. Sa totoo lang, marami ang kinakabahan o nininerbiyos kapag nakita ang asul na uniporme ng mga pulis. “Kotong†o “hulidap†ang unang naaalala kapag nakakita ng asul na uniporme ng pulis.
Ang garapalang pangongotong ang numero unong dahilan kaya sinibak lahat ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga station commander ng pulis sa lungsod. Unang sinibak ang station commander sa Divisoria at Binondo. Araw-araw, kinokotongan ng mga pulis ang mga vendor sa Divisoria at Binondo. Kumikita nang daang libong piso buwan-buwan ang mga station commander.
Pinaka-corrupt na ahensiya ang PNP at habang tumatagal ay lalo pang nagiging corrupt. Dapat ding sisihin ang pamunuan ng PNP kung bakit nagkaganito ang kanilang hanay. Hindi naging maayos ang kanilang pag-recruit sa mga aplikante. Hindi lang mga opisyal ang corrupt kundi pati na rin ang mga bagitong PO1 at PO2.
Kung ganitong nalantad na ang pagiging piÂnaka-corrupt ng PNP, gugustuhin pa kaya ng mga graduates ng Philippine Military Academy (PMA) na pumasok sa PNP? Malaking hamon naman sa kasalukuyang PNP chief ang survey para magsagawa pa ng reporma sa kanyang hanay.
- Latest