Congressman, pumapasok sa Batasan kahit walang sesyon
ALAM n’yo bang napakasipag pala ng isang congressman na binansagang top absentee?
Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, Judge Silver Castillo ng Manila RTC, Dr. Vessie Crisostomo ng Taguig City College of Engineering, Sis Nina Marie Tiu Jara ng SSS Davao City, Bro. Vice-Mayor Jun Cabucana ng Santiago City at Mario Garcia.
Ayon sa aking bubwit, halos araw-araw ay pumaÂpasok sa Kongreso si Congressman, kaya lang ay hindi na umaÂabot sa roll call kaya minamarkahan siyang absent.
Ang problema kasi kay Congressman, kapag dumating sa Batasang Pambansa ay alas-8:00 na ng gabi. Siya ay dumidiretso sa kanyang opisina at hindi na nagpupunta sa session hall. Busy umano si Congressman sa kanyang opisina at hindi puwedeng istorbohin dahil masisira ang kanyang concentration sa paglalaro ng PSP o computer games.
Dahil sa pagiging addict ni Congressman sa computer games, inaabot siya ng madaling-araw sa kanyang opisinaÂ.
Ayon pa sa aking bubwit, madalas ay sumusobra pa ang sipag ni Congressman dahil kahit hanggang MiyerkuleÂs lamang ang sesyon sa Kongreso, kahit Sabado, pumapasok pa siya. Kasi, nakakalimutan pala niya kung ano ang petsa o araw.
Usap-usapan si Congressman ng mga kapwa nito kongresista dahil minsan habang sila ay nagkakape, nilikom lahat ang mga sachet ng asukal, pumunta sa isang sulok at saka nilaklak ang kinuhang asukal.
Ayon sa aking bubwit, ang kongresistang pumapasok sa Batasan kahit walang sesyon ay si Congressman L. as in Laklak.
- Latest