^

PSN Opinyon

Dapat maghigpit ang Marina at DOTC

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KARANIWAN na lang sa atin ang mga trahedya sa karagatan. Mga lumulubog na barko dahil sa sama ng panahon, mga nagbabanggaang barko, mga nasusunog na barko. Parang hindi lumilipas ang isang taon ay trahedya na naman sa ating karagatan. Bansa tayo na may higit pitong libong isla kaya mahalaga ang industriya ng transportasyon sa dagat. At eto nga na naman, isang barko ng Medallion Transport ang lumubog sa karagatan ng Burias Island noong Biyernes. Ayon sa kapitan ng M/V Lady of Mt. Carmel, kalmado ang dagat nang lumayag sila mula Albay. Pero biglang sumama daw ang kundisyon ng karagatan, at nalagay ang barko sa isang “vortex” o uliuli, kaya tumagilid ang barko hanggang sa tuluyang tumaob. Animnapu’t-isa ang naligtas, dalawa ang patay at pito pa ang nawawala. Itinigil naman ng Philppine Coast Guard ang paghahanap sa pito.

Pero tulad ng mga nakaraang trahedya, may mga pasaherong hindi nakalista sa manifesto ng barko. Ano ang paliwanag ng kapitan diyan? Ayon sa kanilang manifesto, may 35 pasahero ang barko at 22 opisyal at tauhan. Eh bakit 61 ang naligtas, at may nawawala pang pito, apat doon ay wala sa manifesto? Akala ko ba mahigpit na ang PCG sa mga manifesto at kung ilang tao ang sumasakay sa isang barko? Dahil ba lumipas muli ang init sa kanila para sa nakaraang trahedya ay kampante na naman at hindi ginagampanan ang tungkulin?

At may mga ulat pang lumalabas na kaya tumagilid ang barko ay dahil may pampasaherong bus na kumalas mula sa kanyang posisyon sa barko, kaya nagbago ang balanse ng barko at tumagilid. Hindi ako magtataka, pero paano natin malalaman iyan kung nasa malalim na bahagi na ng dagat ang barko at wala tayong kakayanang mag-imbestiga! Palagi na lang nalalagay sa masamang balita ang industriya ng karagatan ng bansa. Kaya tayo nalalagay sa mga listahan ng bansang peligroso ay dahil hindi natin binibigyang halaga ang kaligtasan sa lahat ng bagay. Hindi sumusunod ang mga kumpanya sa kapasidad ng barko, at hindi rin mahigpit ang PCG sa manifesto ng pasahero. Lahat pinalalampas na lamang, hanggang sa susunod na aksidente.

At sabihin na natin, hindi binibigyang halaga ang pagsasanay sa kanilang mga tauhan, maging pampasaherong bus, barko o eroplano, sa mga tamang hakbang at aksyon tuwing may emergency na sitwasyon. Ayaw gastusan ang pagsasanay kung may maganap na hindi inaasahan. Tila kanya-kanya na ang lahat, bahala ang Diyos sa inyo, kapag may aksidente o trahedya. Dahil hindi propesyonal ang mga tauhang ito. Basta’t may kamay, nakakarinig at nakakakita ay pwede nang magtrabaho para sa kum­panya, hindi na bale kung walang alam tungkol sa kaligtasan. Ang suma, ang mga ahensiya na nangangasiwa sa lahat ng mga iyan – ang Marina at DOTC – ang dapat maghigpit.

AYON

BARKO

BURIAS ISLAND

DAHIL

MEDALLION TRANSPORT

MT. CARMEL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with