^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga botika na walang parmasyutika

Pilipino Star Ngayon

NOON pa man, marami nang drugstores o mga botika ang nag-ooperate kahit walang pharmacists. Pero ngayon na lang uli nasisilip. Nakapagtataka kung bakit ngayon lang umangal ang Philippine Pharmacist Association (PPA). Matagal nang practice na ang mga may-ari ng botika ay umuupa lang ng lisensiya sa mga tunay na pharmacists at ang lisensiya na ito, kasama ang diploma at PRC certificate ang nakadispley sa botika. Sa batas (Republic Act 5921) o Pharmacy Law, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng botika kung walang pharmacist. Kailangang 21-anyos at pasado sa Pharmacy board exam ang sinumang mag-eengaged sa pharmacy. Kailangan ding may valid certificate of registration ang botikang iooperate.

Pero hindi nasusunod ang nakasaad sa Pharmacy law sapagkat lumalabas na kahit sino na lang ay maaaring mag-engaged sa negosyong pagbobotika. Isang malinaw na paglabag sa batas at maaaring maparusahan ang sinumang hindi susunod sa itinatadhana ng RA 5921. Pero mayroon bang napaparusahan? Meron bang nabalitaang ipinasarang botika dahil walang parmasyutika. Wala! Malambot ang batas sa bansang ito kaya marami ang lumalabag. At kung mahuli man, madaling maaareglo o maaayos. Walang silbi ang batas at nagiging dekorasyon na lamang.

Ang PPA mismo ang nagsabi na sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) area ay napakaraming drugstores na nag-ooperate pero 70 percent sa mga ito ay walang pharmacist. Imagine kung may 10 botika sa CAMANAVA,  tatlo lamang dito ang may pharmacists. At ang sabi pa ng PPA, marami sa mga botika ay may nakadispley na professional licenses. Ayon sa PPA, dapat ay mayroong resident pharmacist ang bawat botika.  Mahalaga, ayon pa sa PPA na may pharmacist ang botika sapagkat ito ang magbibigay o magtitimpla ng gamot sa customer. Siya rin ang makauunawa sa reseta ng doctor. Nararapat na isang may kasanayan sa gamot ang mamamahala sa botika sapagkat sa panahon ngayon ay may global phenomenon na tinatawag na anti-microbial resistance kung saan ang pasyente ay nagiging resistant sa gamot.

Ngayong nasisilip na ang mga botikang walang pharmacist, dapat magkaroon na nang paghihigpit. Pangunahan ng PPA ang pagsisiyasat. Hihintayin pa bang may mga mapahamak na pasyente dahil sa maling pag-inom ng gamot?

 

AYON

BOTIKA

CALOOCAN-MALABON-NAVOTAS-VALENZUELA

HIHINTAYIN

ISANG

KAILANGAN

PERO

PHARMACY LAW

PHILIPPINE PHARMACIST ASSOCIATION

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with