‘Illegal drug syndicate’
HINDI pa rin masawata ang operasyon ng mga buwaya’t ulupong na mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.
Mga magkakabagang na putok sa buhong asong askal na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng mga ipinagbabawal na gamot sa kaliwa’t kanan nilang mga laboratoryo sa bakuran ng Pilipinas.
Namamayagpag ang ganitong mga aktibidades dahil na rin sa hindi mabuwag na konsepto ng “padrino system†ng ilang mga kawatang protektor at mapagsamantalang “lider†ng lipunan!
Kahapon, mariing tinukoy ng Department of National Defense na ang pagbebenta at paggamit ng illegal drugs ang ugat ng mga karumal-dumal na krimen (heinous crimes).
Sa talaan ng Philippine Drug Enforcement Agency, natukoy na Metro Manila ang numero uno sa aktibidad ng iligal na droga. Kabilang din sa mga itinuturing na “seriously drug-affected†ang Davao, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon province.
Karamihan sa mga nalululong sa droga ay ang mga taong may personal na problema, mga produkto ng pa-milyang nagkawatak-watak, pagkabigo at iba pa.
Inaakala kasi ng ilan na matatakasan at malilimutan nila ang problema sa pamamagitan ng pagiging “high†sa elementong ito.
Ito naman ang tinityempuhan at sinasamantala ng mga sindikato para kumita ng pera.
Hindi pinapalampas ng BITAG ang ganitong uri ng sumbong at mga reklamo! Katunayan, patuloy ang pakikipagtulungan ng BITAG sa pamunuan ng PDEA sa mga pagmamanman sa mga pugad at mga lider ng mga drug syndicate.
Sa aming mga pag-iim-bestiga, may mga “financier†kaya namamayagpag ang mga hinayupak na mga kolokoy na ito!
Dahil sa mga nakakaÂalar mang banta ng droga sa estado at seguridad ng bansa, nanawagan ang DND sa pubÂliko na makiisa sa pagsugpo ng mga ipinagbabawal na droga sa bansa.
Manood at makinig sa Bi tag Live! sa Radyo 5 at AKÂSYON TV sa Channel 41 araw-araw. Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.
* * *
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing araw ng Miyerkules, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest