^

PSN Opinyon

Anong masasabi mo, General Purisima?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Nakatatawa ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful”  ang selebrasyon ng New Year. Kung nag-ikot lang si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sa mga ospital noong New Year’s eve tiyak may masasabi siya sa kanyang sarili.

Sa Pasay General Hospital pa lamang ay nagkaroon ng rambolan ng angkan kaya maging ang mga doctor at hospital staff ay nagsilbing referee. Wala kasing pulis doon.

Sa aking pagkakaalam mahigit sa 40 kaso ang tinamaan ng ligaw na bala noong gabing naghihiwalay ang 2012 at 2013.  Tradisyon na nating mga Pinoy ang paglikha ng ingay at pagpapaputok kahit na mahigpit na ipinagbabawal ng Deparment of Health at PNP. Kaya sinasabayan ito ng mga makakati ang daliri sa gatilyo ng baril. Namatay ang apat na taong gulang na si Ranjelo Nimer ng Welfareville Compound, Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City, matapos tamaan ng bala ng sumpak habang nanonood ng fireworks display.

Mabilis naman ang pagkilos ng Mandaluyong Police at naaresto ang suspek na si Emmanuel Janabon y Yuillalon. Ngunit sa tingin ko, kulang ang presensya ng PNP at ang kampanya sa illegal gun holder dahil kung ipinatupad lamang nila ang tamang pagbibigay ng proteksiyon marahil hindi na humantong sa kamatayan ni Nimer.  Get mo, General Purisima?

Sa kabilang dako, namatay na kahapon si Nicole Ella ng Barangay Tala, Caloocan City. Si Nicole ay tinamaan din ng ligaw na bala habang nanonood ng firecrackers display sa kanilang lugar. Bigla na lamang bumagsak si Nicole. At nang daluhan ng kanyang kaanak, duguan ang ulo nito. Isinugod siya sa ospital. Bumagsak ang bala sa kanyang ulo at tumagos sa kaliwang mata. Nakabaon sa pisngi ang bala.

Blanko ang PNP kung sino ang may kagagawan nito. Malinaw na malaki ang pagkukulang ng PNP sa nangyari. Ito marahil ang magmumulat sa mga mata nina President Noynoy Aquino at Purisima para pagtuunan ng pansin ang kakulangan sa pagproseso ng lisensiya ng mga baril. Kasi nga karamihan sa mga baril ngayon na may lisensya ay hindi dumaan sa ballistic tests kaya walang record ang mga ito. Dagdag pa rito ang pagsulputan ng mga gunstore sa maraming bahagi ng bansa. Kung sabagay, hindi maikakaila sa ngayon na sinusuportahan pa nga ng mga matataas na opisyales ng PNP ang pa-gunshows sa mga kilalang mall. Ngunit karamihan sa mga baril na naibibenta rito ayon sa aking mga nakausap ay “non appearance” ang pagkuha ng lisensiya.

General Purisima, panahon na para imodernisa ang pagproseso ng lisensiya ng mga baril. Bagamat gugugol ng milyong piso sa pagbili ng kagamitan sa pag-process ng baril malaking tulong naman ito upang matunton ang mga salarin. Hihintayin pa ba nating umulan na lamang ng bala sa tuwing sasapit ang Bagong Taon at manghula sa bolang kristal sa tuwing may tatamaang inosente! At habang hinu-hokus pokus ninyo ang pambili ng aparato, pakawalan na ninyo ang mga doberman na nasa Camp Crame para habulin ang mga nag-iingat ng mga di-lisensiyadong baril.  Sa ganitong pamamaraan, manunumbalik ang tiwala ng sambayanan sa PNP. 

Abangan!

ADDITION HILLS

ALAN PURISIMA

BAGONG TAON

BARANGAY TALA

BARIL

CALOOCAN CITY

GENERAL PURISIMA

NEW YEAR

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with