^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa paputok!

undefined - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MALIGAYANG Pasko muli sa lahat! Nakatitiyak ako na marami ang busog, marami, partikular mga bata ay masaya sa kanilang mga natanggap na regalo, at marami ay tinatamad nang pumasok sa tatlong huling araw ng taon! Pero ganun talaga ang buhay, hindi humihinto para sa iba. Magpasalamat na lang at may trabaho, at may araw pang pinapasukan! Lumipas na ang araw kung saan magugunaw na dapat ang mundo, kaya patuloy ang buhay!

At panahon nga para magpasalamat sa lahat ng biya­yang natanggap sa 2012 at ipanalangin ang mas magandang buhay para sa 2013. Naging mahirap ang biyahe ngayong 2012. May mga nawala sa ating mga buhay, may mga naganap na hindi kanais-nais. Sa totoo nga, halos nakalimutan na ng iba nating mga kapamilya ang Pasko, dahil sa mga problema na dulot ng tadhana at panahon. Mga nasalanta at nabiktima ng bagyong Pablo, halimbawa, ay hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa normal ang kanilang mga buhay. Kailangang magpatuloy pa rin ang tulong sa kanila, sa bawat oras at hindi lang dahil Pasko.

Ito ang panahon na masarap magbakasyon o magpahinga, at maghanda na rin para sa darating na taon. Ito rin yung panahon na nagkakandarapa nang magbenta ng mga paputok para sa bagong taon. Taon-taon ay naglalabas ng mga babala ang DOH at ilan pang mga ahensiya at organisasyon ukol sa mga peligro ng paputok, pero taun-taon ay may nabibiktima pa rin ang mga ito. At kadalasan ng mga biktima ay mga bata. Hindi iba itong taon.

Ganito kaaga ay may mga ulat ng mga nasaktan dahil sa paputok. Pinag-iisipan na nga ng DOH kung magpapanukala na ipagbawal na nang lubos ang pagbenta ng mga paputok, kung magpapatuloy ang dami ng mga nasasaktan dahil dito. Isang linggo pa ang layo ng bagong taon, halos 50 na ang nasasaktan sa buong bansa! Alam kong mahirap ipagbawal nang lubos ang mga paputok. Ang mangyayari lang ay magiging tago ang pagbenta nito, kumpara sa lantaran ngayon. Kailangan lang talaga ay mag-ingat, at huwag pababayaan ang mga bata na maglaro o humawak ng mga paputok, kahit gaano na kaligtas ang mga ito. Para naman sa mga matatanda na napipinsala ng mga paputok, siguro leksyon na lang sa kanila dahil sa ilang taon nang ipinakikita ng DOH ang mga pinsala nito, pero pasaway pa rin! Maraming mas ligtas na paraan para ipagdiwang ang pagpasok ng bagong taon. Mahirap simulan ang taon na duguan, putol ang mga daliri o buong kamay, o bulag, dahil lamang sa mga paputok, di ba?

ALAM

DAHIL

GANITO

ISANG

PAPUTOK

PARA

PASKO

TAON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with