^

PSN Opinyon

Payapang Undas

BANAT NI BATAGUIS - Bening Bataguis - Pilipino Star Ngayon

SA unang pagkakataon, mapayapang ginunita ang Araw ng mga Patay sa Metro Manila. Patotoo lamang ito na desidido si NCRPO Director Chief Supt. Leonar­do Espina na harapin ang mga pagsubok. Bagamat maraming nagreklamo sa paghihigpit nina PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome at Espina sa mga sementeryo, nagbunga naman ito nang maganda sapagkat walang naiulat na krimen. Paano naman di magiging peaceful, maraming bawal ang pinairal ng mga pulis sa pagpasok sa sementeryo. Bawal ang matatalas na bagay --- itak, kutsilyo, lagare, gunting, kutsara, tinidor at iba pa. Bawal ang alak, baraha, radio at karaoke at maging ang streamer ng maeepal na pulitiko. May mga K-9 dogs na kayang umamoy ng mga pampasabog at droga. Hindi rin pinayagang maipasok ang LPG tanks at lighters sa sementeryo. Kaya ang impresyon ng sambayanan unti-unti nang ipinatutupad ng PNP ang martial law.

Subalit malakas naman ang ugong na napapanahon  ang aksyon nina Bartolome at Espina dahil tuwing Undas, nagiging battle ground ng mga magkakalabang fraternity at gang ang sementeryo.  Dagdag pa dito, naging responsible at kapaki-pakinabang ang mga local official dahil nakatulong ang puwersa ng mga barangay tanod. Nahikayat nina Bartolome at Espina ang barangay para maipuno sa puwersa ng PNP ang mga tanod. Bukod dito, umabot naman sa 20,000 ang force multifliers na galing sa mga Bantay Bayan, volunteers mula sa NGO at mga civic action group. Kaya ang resulta matahimik na Undas. Congratulations sa inyo Sir Bartolome at Sir Espina.

Siyanga pala, mayroon din palang kumita nitong Undas, ayon sa aking mga kausap, tumataginting na P300 ang singil ng parking boys sa bawat sasakyan sa kapaligiran ng sementeryo. At ang inginunguso ng mga ito ay ang mga chairman ng barangay na nakakasakop. Maging ang mga stall ng vendors ay pinagkakitaan din umano ng mga taga-City Hall bukod pa riyan ang pambabraso ng mga taga-barangay. Nakunan ng video ng mga dayuhang mamamahayag ang ginagawang pambabraso ng barangay. Abangan!

BANTAY BAYAN

BARTOLOME

BAWAL

CITY HALL

DIRECTOR CHIEF SUPT

ESPINA

KAYA

METRO MANILA

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with