^

PSN Opinyon

‘Isnaberong taxi’

BAHAL SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KASAGSAGAN ngayong “ber” months, ang mga bastos, pasaway at isnaberong taxi driver na naglipana sa mga lansangan!

Ayon sa Land Transportation Office o LTO, isa ito sa mga kaso na patuloy pa ring tinututukan ng ahensya.

Sa BITAG, hindi na bago ang ganitong uri ng mga reklamo at sumbong. Para sa BITAG, ito ay continuing operations pa rin ng mga dorobo at walang kadala-dalang taxi drivers!

“Isnaberong taxi” sila ang mga taxi driver na namimili at tumatanggi sa mga nag-aabang na pasahero. Karaniwang dahilan ng mga kolokoy, hindi sila babyahe, out of line ang destinasyon ng sasakay at ang iba, ‘pag malapitan, ayaw magpasakay.

Bukod sa mga isnabero, marami ring mga taxi driver na nangongontrata at nagpapadagdag ng pamasahe. At ang karaniwan ng boladas sa mga pobreng pasahero, “‘wag nalang gumamit ng metro!”

Sa mandato ng LTO, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtanggi at pamimili ng mga taxi driver sa mga pasahero. Ito rin ang nagtulak sa ahensya para ilunsad ang “Oplan Isnabero.”

Sa “Oplan Isnabero” hindi maaari at walang karapatang tumanggi ang sinumang taxi driver sa mga nag-aabang, bata, matanda o sinupaman.

Nakasaad sa polisiya ng LTO na hindi pwedeng mamili ang isang driver dahil walang prankisang inisyu sa mga ito, kaya kahit saan man ang destinasyon, ay maaari silang maghatid ng pasahero.

Pero sa kabila ng mandatong ito, marami na ang na­bitag at patuloy pa ring dumarami ang mga namamataang isnabero partikular sa ka­lakhang Maynila.

Karaniwang umaatake ang mga pasaway na taxi driver pagsapit ng alas-syete ng gabi. Pagsapit ng ganitong oras, pagarahe ang ilan kaya pili na lang ang isasakay.

Taong 2007, nauna ng na-BITAG ang mga isnaberong taxi driver sa Metro Manila. Ilan sa mga lugar na tinutukan ng Bitag at LTO, ang mga terminal ng taxi. Dito, maraming drayber  ang nahuli at nalintikan sa operasyon!

Bagamat simpleng problema lamang ang “isnaberong taxi”, marami pa rin ang patuloy na nagsusumbong at nagrereklamo sa BITAG.

Paalala ng BITAG sa publiko, ireport agad sa BITAG  at sa LTO ang mga isnaberong taxi na tatanggi sa inyo.

AYON

BAGAMAT

BITAG

DRIVER

KARANIWANG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

OPLAN ISNABERO

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with