^

Metro

Amang nang-rape sa 3 anak, pinabitbit ng sariling anak sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Ipinaaresto sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ng kuya ng tatlong menor de edad na magkakapatid ang kanilang sariling ama na paulit-ulit na gumahasa at nanakot sa mga ito  simula noong 2022 sa Parañaque City.

Iniharap ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin  ang suspek  na nadakip kasunod ng paghahain ng   reklamo ng mga menor de edad na babaeng anak  nito hinggil sa pangmomolestiya ng sekswal ng ama sa kanilang tatlo na nagsimula noong 2022. Nagsumbong sila sa kanilang ina subalit ang suspek pa ang kinampihan nito.

Marso 10, 2025 nang maghain ng sinumpaang salaysay ang kuya ng mga biktima at ipinakita sa NBI ang mga text message ng ama ng pananakot at pagbabantang papatayin silang magkakapatid dahil sa pagsusuplong sa NBI.

Agad nang kumilos  ang  kuya ng mga biktima  at isinuplong ang ama na nagtangka pang tumakas.

Nahaharap na ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 8353 (Anti-Rape Law) in relation to Section 5(b) of Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with