Kaso vs Manibela, Piston ibinasura ng Quezon City court
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 136 ang kaso laban sa ilang opisyal ng transport group na Piston at Manibela kaugnay sa inilunsad nilang tigil pasada noong Agosto.
Sa desisyon ng korte, walang sapat na basehan para madiin sina transport leader na sina Piston President Mody Floranda at Manibela chairperson Mar Valbuena at tatlong iba pa.
Hindi umano sapat ang mga ebidensyang litrato kung saan makikitang kausap ng mga transport leader ang mga pulis upang sabihing naging magulo ang pagkilos ng transport group.
Binigyang diin ng korte na wala umanong criminal liability ang sinumang lumalahok sa payapang pagtitipon kahit na walang kaukulang permit.
Hindi rin napatunayan ng prosekusyon na nagkaroon ng pag-uusap o sabwatan ang mga transport leader para paralisahin ang transportasyon.
Iginagalang naman ng QC Police District ang desisyon ng korte. Ang QCPD ang nagsampa ng kaso laban sa mga transport leaders.
- Latest