P40 kada kilo ng Kadiwa Rice mabibili sa palengke, MRT at LRT
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Disyembre 5 ay magiging accessible na bilihan ng murang bigas sa ilalim ng “Rice-for-All” program ng Department of Agriculture (DA).
Ito kasunod ng anunsyo ng DA na ang P40 kada kilong bigas ay mabibili na rin sa MRT at LRT stations at limang malalaking palengke sa Metro Manila na kinabibilangan ng Guadalupe Public Market, Kamuning Market, Malabon Central Market New Las Piñas City Public Market at Pasay City Public Market.
Ayon kay DA Consumer Affairs Asec. Genevieve E. Velicaria-Guevarra, ginawa nila ang pagdaragdag ng mga lugar na bentahan ng Kadiwa Rice upang maserbisyuhan din ang ibang mamimili na naghahanap ng murang bigas.
Kailangan lang na hanapin ang Kadiwa ng Pangulo rice kiosk na nakabukas mula Martes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest