^

Metro

17 dayuhan timbog sa ni-raid na scam hub sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
17 dayuhan timbog sa ni-raid na scam hub sa Makati
Nabatid na 15 ay Chinese national, isang Taiwanese at isang Malaysian national ang dinakip.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang 17 dayuhan sa sinalakay na 5-storey building na hinihinalang “scam hub” ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division sa Makati City, Biyernes ng gabi.

Nabatid na 15 ay Chinese national, isang Taiwanese at isang Malaysian national ang dinakip.

Inimbitahan din ang ilang Pinoy na tagapagsilbi lamang sa mga dayuhan para sa imbestigasyon.

Sa ulat, pasado alas 11:00 ng gabi  ng Oktubre 11, nang isagawa ang operasyon gamit ang search warrant laban sa nasabing scam hub na matatagpuan sa Barangay Tejeros, Makati.

Mayroong 20 workstation ang gusali, may ‘couple room’, lahat ng silid ay may kama at sariling banyo, habang ang commissary ay nasa rooftop.

Ang mga tagapagsilbing Pinoy ang naghahatid ng mga pagkain sa mga silid ng mga dayuhan kaya hindi na kailangang lumabas pa ng gusali ang mga ito.

Narekober ang mga computer, sim cards, cellphones, at mga notebook na naglalaman ng mga script sa operasyon ng investment scam at cryptocurrency scam.

Ayon sa NBI, isa­salang sa forensic ­examination ang mga computers, cellphone at sim cards para sa pagtukoy sa kung kailan pa nagsimula, kung saan nanggagaling ang mga kliyente at kung anu-anong scam ang pinapasok ng grupo.

ARRESTED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with