Isko, balik-Maynila dahil sa utang na loob sa mga Manilenyo
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni dating Manila Mayor Isko Moreno na ang pagbabalik Maynila niya ay pagpapatuloy ng kanyang pagtanaw ng “utang na loob” sa mga Manileño.
Sa huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections (Comelec) kahapon, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Moreno sa pagka alkalde kasama ang kanyang running mate na si Chi Atienza.
Ayon kay Moreno, bagama’t malaki ang kanyang utang na loob sa pamilya ni Mayor Honey Lacuna-Pangan dahil sa ama nitong si dating Vice Mayor Danny Lacuna, malaki rin ang kanyang utang na loob sa taumbayan na dapat niyang bayaran.
“Nakiusap ako kay Ate (Mayor Lacuna), na baka pwede kong bayaran sa ibang paraan ang utang na loob, at nagsabi rin akong babalik ng Maynila,” ani Isko.
Subalit ang tugon lamang sa kanya ni Mayor Honey --”No I’m running for reelection” kaya niyakap niya ang alkalde at nag-goodbye.
Bukod kay Mayor Honey, nakapuwesto rin sa Manila City Hall ang asawa nitong si Poks, kapatid na Lei, Dennis at Philip.
- Latest