Oil price rollback, aarangkada ngayon Martes
MANILA, Philippines — Bahagyang mababawasan ang gastusin ng mga motorista sa mga produktong petrolyo ngayong Martes.
Ito ay dahil magkakaroon ulit nang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes.
Sa abiso ng mga oil companies, alas-6 ngayong umaga ay ibababa nila ng P1.00 ang kada litro ng produktong gasolina, P1.30 kada litro ang rollback sa presyo ng diesel at P1.65 per liter ang baba sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang galaw sa presyuhan ng petrolyo sa merkado sa nagdaang apat na araw ang ugat ng oil price rollback ngayong linggong ito.
Ito na ang ikalawang linggo nang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa simula noong nagdaang linggo.
- Latest