^

Metro

5 drug suspects, timbog sa P3.6 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Limang drug suspects ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mahulihan ng mahigit sa P3.6 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Charito Balawag, 24, ng Baseco, sa Tondo; at sina Jerry Vengao, 28, ng Pandacan; Regino Ibay, 51; Ver Carlo Castillo, 35; at Emilia Bello, 48, pawang residente ng Paco, sa Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), unang naaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta Cruz Police Station (PS-3), si Balawag sa isang buy-bust operation na ikinasa sa Carlos Palanca St., malapit sa kanto ng Rizal Avenue, sa Quiapo dakong alas-8:20 ng gabi.

Nakumpiska mula sa suspek ang P1,000 buy-bust money at 10 pakete ng hinihinalang shabu, na tinatayang tumitimbang ng higit kalahating kilo at nagkakahalaga ng P3,502,000.

Samantala, sina Ibay, Castillo, Vengao, at Bello naman ay naaresto ng mga tauhan ng SDEU ng MPD Pandacan Police Station (PS-10) dakong alas-11:35 ng gabi sa Hollywood St. sa Sta. Ana.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang P500 buy-bust money at anim na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 24 gramo at nagkakahalaga ng P163,200. Ang mga suspek ay pawang nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with