^

Metro

Miyembro ng criminal group, huli sa boga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng criminal group, huli sa boga
Sa ulat na isinumite kay Pasig City Police Station Acting Chief, P/Colonel Hendrix Ma­ngaldan, ang suspek na si alyas “Rhegen”, 38-anyos, residente ng Barangay Manggahan, Pasig City ay miyembro ng criminal group na sangkot sa ilang iligal na aktibidad kaya naisyuhan ng search warrant ng Pasig Regional Trial Court Branch 155.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Timbog ang isang  construction worker na miyembro ng ‘Rex Fajad Criminal Group’ nang masamsaman ng baril ng mga awtoridad sa pagsisilbi ng search warrant sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na isinumite kay Pasig City Police Station Acting Chief, P/Colonel Hendrix Ma­ngaldan, ang suspek na si alyas “Rhegen”, 38-anyos, residente ng Barangay Manggahan, Pasig City ay miyembro ng criminal group na sangkot sa ilang iligal na aktibidad kaya naisyuhan ng search warrant ng Pasig Regional Trial Court Branch 155.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-10:00 ng gabi kamaka­lawa, nang isagawa ang ­operasyon ng mga tauhan ng Manggahan Police Sub-Station (SS8) kasama ang mga operatiba ng Station Intelligence Section at RMFB-4A 404th A Maneuver Company, na nagresulta sa pagkasamsam ng isang kalibre .38 revolver na may serial number 32858 at 2 bala.

Nakatakdang isailalim sa inquest procee­dings ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act  10591 (Comprehensive Law of Firearms and Ammunition) sa Pasig City Prosecutor’s Office.

TIMBOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->