^

Metro

Misis, lover na sekyu huli ni mister!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Habang nagtatalik sa guard house

MANILA, Philippines — Nahaharap sa mga kasong adultery at paglabag sa RA 10591 ang isang misis at kalaguyo umanong nitong security guard matapos na maaktuhan ni mister na nagse-sex sa guard house kung saan naka-duty ang lalaking suspek, kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Francisco, Lipa City, Batangas.

Hindi na napalag at nakapgasalita ang suspek na kinilala lang sa alyas “Leonil”, nasa hustong gulang, security guard ng isang farm, nang dakmain ng mga tanod, habang tumakas naman ang misis na si alyas “Jenny”.

Sa ulat ng pulisya, humingi ng tulong ang mister na si alyas “Herbert,” 28-anyos sa mga barangay matapos umano nitong maaktuhan ang misis at kalaguyo nito gumagawa ng kalaswaan sa loob ng guard house ng isang farm kung saan naka-duty ang suspek.

Sa salaysay ng biktima, alas-10 umano ng gabi nagtaka siya hinggil sa wala sa kanilang bahay ang kaniyang misis. Dito na umano siya nakaramdam ng pagdududa  kung kaya agad niyang hinanap ang misis. Napadaan siya sa guard house ng Unacho Farm sa Purok 3, Brgy. San Francisco, nang makarinig umano siya ng mga ungol.

Agad sumilip ang mister at dito siya nagulantang sa nakita na nagtatalik ang kaniyang misis at nasabing guwardya.

Imbes na sugurin ang dalawa, humingi agad ng tulong ang mister sa barangay at pagbalik nila sa nasabing lugar ay sinipa nila ang pintuan ng guard house at dito tumambad ang mga suspek sa ginagawa umanong kahalayan.

Nagawa pang manutok ng suspek ng shotgun nito sa mga rumespondeng opisyales ng barangay subalit agad itong dinakma ng grupo. Mabilis namang nagtatakbo patakas ang ginang.

Narekober sa naarestong  guwardya ang 12-gauge shotgun na may serial number 887063. 

vuukle comment

JENNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with