^

Metro

Most wanted sa kasong sexual assault, 3 pang wanted nasakote

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ang 19-anyos na top. 1 most wan­ted na sangkot sa two counts of rape at two counts of sexual  assault, sa Pasay City, kamaka­lawa ng gabi.

Ang akusado na si alyas “Toby”, Rank 1 most wanted ng Southern Police District (SPD) para sa buwan ng Setyembre 2024 ay nadakip alas-6:00 ng gabi sa barangay 197, Pasay City ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng  Pasay City Police Station gamit ang mga warrant of arrest na inisyu ni Judge Christian Pascual Castaneda, Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 109, Pasay City.

May inirekomendang piyansa ang korte na ?120,000.00 sa bawat bilang ng kaso na may kabuuang P480,000.00

Samantala, arestado rin ang isang delivery rider si alyas “Russel”, 24-anyos,  residente ng Makati City nang silbihan ng warrant of arrest sa kasong rape, na walang kaukulang piyansa.

Si Russel na top 4 most wanted station le­vel ay naaresto sa Araro St. corner Casino St., Brgy. Palanan, Makati City dakong alas-12:15 ng hapon ng Set. 13, 2024 ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Makati CPS.

Sa kasong  frustrated murder naman ­inaresto ang isang 43-anyos na si alyas “Bebe”, top 9 most wanted ng Pasay CPS, sa F. B. Harrison St., Brgy 70, Pasay City alas-2:00 ng hapon ng parehong araw.

Isang top 5 most wanted person ng Ge­neral Santos City ang naaresto sa Canlantas St., Brgy. San Antonio Village, Makati City ala-1:30  ng hapon ng parehong petsa na kinilalang si alyas “Aljim”, 46-anyos, construction worker ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Makati CPS kasama ang mga operatiba ng Ge­neral Santos City Police Station.

Si Aljim ay sangkot sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs AQct of 2002) na nasa sala ni Judge Dinah Jean San Antonio Cornejo, Presi­ding Judge, Regional Trial Court, Branch 55, Ge­neral Santos City, South Cotabato. Wala ring ­inirekomendang piyansa para sa pansamantalang Kalayaan ni Aljim.

 

vuukle comment

SPC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with