^

Metro

Higit 150 loose firearms nakumpiska sa QCPD ops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit 150 loose firearms nakumpiska sa QCPD ops
Ayon kay QCPD Chief PBGen. Redrico Maranan, nasamsam ang mga armas sa mga operasyong ikinasa mula Enero hanggang nitong August 28, 2024.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 150 iba’t ibang mga baril ang nakumpiska ng Quezon City Police District (QCPD) sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms.

Ayon kay QCPD Chief PBGen. Redrico Maranan, nasamsam ang mga armas sa mga operasyong ikinasa mula Enero hanggang nitong August 28, 2024.

Nasa 201 indibidu­wal naman ang naaresto sa mga isinagawang operasyon.

Nabatid na nangu­nguna ang Novaliches Police Station (PS-4) sa may pinakamaraming nasamsam na armas na sinundan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), at La Loma Police Station (PS-1).

Binigyan diin ni Maranan na ang kum­piskasyon ng mga baril at pagkakaaresto sa mga suspek ay indikasyon na patuloy ang mga pulis sa kanilang tungkulin at pagkakaroon ng dedikasyon.

Makakaasa rin aniya ang publiko na patuloy pang paiigtingin ang preventive measures katulad ng checkpoint upang masiguro ang seguridad ng lungsod.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with