^

Metro

Driver ng SUV kumaladkad sa traffic enforcer sumuko na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patung-patong na reklamo ang ihahain laban sa driver ng SUV na nag-viral sa pagkaladkad sa traffic enforcer para takasan ang nabanggang motorsiklo sa Taguig City kamakailan.

Ayon kay sa Metropolitan Manila Development Authori­ty (MMDA). (MMDA) Chairman Acting Chairman Don Artes una nang inihain sa 2-pahinang reklamo sa Land Transportation Office (LTO) para sa nararapat na disciplinary sanctions laban sa driver ng SUV na sangkot sa road incident  at tinakbuhan ang isang delivery rider na may pasahero, at ang traffic enforcer na si Allan Harry Sadiua, na kamuntik niyang mapatay.

“The driver was escaping responsibility, illustrating that he is undeserving of his driving privilege and as such, should be stripped or suspended thereof until he can show worthiness thereto once again,”aniya pa.

Kahapon ay lumutang ang nasabing dri­ver/suspect na humingi ng “sorry” subalit iginiit ni Artes na hindi palalagpasin ang kaniyang kasalanan at isusulong pa rin ang reklamo.

Natukoy ang suspek nang maplakahan ang pulang SUV na sangkot at natukoy na nakarehistro sa misis ng suspek.

Inihahanda na rin ng MMDA ang criminal charges na attempted homicide at direct assault.

Batay sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa Sales- East Service Road, Brgy. Western Bicutan, Taguig City dakong alas-8:52 ng umaga.

Nabangga ng SUV ang motorsiklo kaya hinarang ng rider ang kaniyang sasakyan sa harap ng SUV subalit tinakasan siya. Rumes­ponde ang traffic enforcer at naabutan ang SUV dahil sa traffic sa lugar subalit sa halip na makipag-usap ay binangga-bangga siya nito at sa aktong sasagasaan ay kumapit sa hood.

Nakunan naman ng video ang pangyayari na habang nakasabit sa hood ang enforcer ay pinatakbo pa ng suspect ang sasakyan at tinangka siya ihulog. Nagawang makababa na lamang ng enforcer nang bumagal ang takbo dahil sa  trapiko.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with