^

Metro

Dayuhan inagawan ng bag, binaril pa ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Dayuhan inagawan ng bag, binaril pa ng tandem
Sa isinagawang backtracking sa CCTV, naglalakad mag-isa ang biktima na may hawak pang clutch bag. Ang mga suspek naman na sakay ng motorsiklo na kulay itim, ay nag-counterflow sa Kalayaan Ave. huminto sandali at nagpalit ng posisyon ang backrideder at binuntutan ang biktima at inagaw ang dalang ba kaya ito binaril ng mga suspect.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Patay ang hindi pa kilalang dayuhan matapos pagbabarilin sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ng riding-in-tandem na tumangay ng kaniyang bag sa Makati City, ­kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Investigation and Detective Management Section ng Makati City Police Station, inaalam pa ang pagkilanlan at nationality ng nasawing biktima na inilarawang maputi, (posibleng Chinese) nasa 25-35 anyos. nakasuot ng t-shirt na puti, itim na pantalon, sneakers na puti at may dalang clutch bag, may mga tattoo sa magkabilang braso at nababalot ng tattoo ang likod.

Naganap ang krimen alas-10:22 ng gabi sa Kalayaan Avenue malapit sa panulukan ng N. Garcia St., Barangay Bel-Air, Makati.

Nabatid na itinawag ng isang security guard sa Brgy. Bel_air ang narinig na  apat na putok ng baril at agad na nires­pondehan ng bantay-bayan at itinawag din sa Poblacion Sub-station.

Nadatnan ng Makati Police sa pangunguna ni P/Master Sgt. Evelyn Quirante na isinakay na sa Makati Life rescue ang duguang  biktima at dinala sa Makati Medical Center kung saan idineklarang patay alas-11:07 dahil sa tinamong bala sa ulo at katawan.

Sa isinagawang backtracking sa CCTV, naglalakad mag-isa ang biktima na may hawak pang clutch bag. Ang mga suspek naman na sakay ng motorsiklo na kulay itim, ay nag-counterflow sa Kalayaan Ave. huminto sandali at nagpalit ng posisyon ang backrideder at binuntutan ang biktima at inagaw ang dalang ba kaya ito binaril ng mga suspect.

Narekober sa crime scene ang 3 basyo ng .9 mm.

Ayon sa Makati Police, patuloy pang iimbestigahan kung may iba pang motibo sa krimen, bukod sa robbery dahil sinigurado pang mapatay ang biktima.

Inihahanda ang reklamong robbery with homicide na isasampa sa mga suspek sakaling maaresto.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with