^

Metro

Vietnamese ninakawan, ni-rape ng 2 Chinese

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang Chinese na nagnakaw at nanghalay pa sa isang estudyanteng Vietnamese sa isang casino resort sa Parañaque City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “Junsong”, 30, at isang alyas “Xinzhi” 26, kapwa residente ng Pixel Residences, Bradco Avenue, Barangay Tambo, ­Parañaque City.

Sa ulat Southern Police District (SPD) ni Parañaque City Police Station commander, P/Colonel Melvin Mon­tante, ang insidente ay nangyari alas-6:30 ng umaga sa unit ng isa sa suspek sa casino resort l na matatagpuan sa Barangay Tambo, ­Parañaque City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ka-chat ng biktima si alyas “Junsong” ang suspect at nakipagkita siya sa nasabing hotel.

Nang nasa unit na ang biktima hinila umano siya papasok, at doon binusalan ng tuwalya, sinaktan at ginahasa.

Ang suspek na si alyas Xinzhi naman ang nanakot at pi­nilit siyang ibigay ang password para mabuksan ang kaniyang cellphone.

Kinuha rin umano ng dalawang suspek ang dalawang ATM cards ng biktima kung saan nakulimbat ng mga suspect ang pera nito.

Bago umalis ang mga suspect ay itinali pa siya nito kung saan nagawa naman niyang makatakas at magsuplong sa pulisya.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip naman ang mga suspect.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa reklamong robbery with rape sa ilalim ng Pa­ragraph 1 Article 294 ng Revised Penal Code sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

PARAñAQUE CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with