^

Metro

Korean leader ng fraud syndicate, timbog ng BI

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Korean leader ng fraud syndicate, timbog ng BI
Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nadakip na pugante na si Kang Hyeunok, 32, na sinasabing leader ng isang fraud syndicate sa kanilang bansa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nadakip ng Bureau of Immigration (BI) sa Cebu ang isang South Korean national, na wanted sa mga awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nadakip na pugante na si Kang Hyeunok, 32, na sinasabing leader ng isang fraud syndicate sa kanilang bansa.

Siya ay dinakip ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa Mactan, Lapu-Lapu City noong Agosto 14.

Ayon kay Tansingco, si Kang ay inaresto sa bisa ng isang deportation warrant na inisyu ng BI board of commissioners noong Oktubre 2021 nang ipag-utos ang pagpapatalsik sa kanya sa bansa dahil sa pagiging undesirable alien.

Idinagdag pa ni Tansingco na ang dayuhan ay overstaying na sa bansa ng mahigit apat na taon, matapos na dumating sa bansa noong Hulyo 2019 ay hindi na muling umalis pa.

Ang nasabing dayuhan ay subject din ng isang red notice mula sa Interpol, na nag-ugat mula sa paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya ng Suwon district court sa Korea, kaugnay nang umano’y pamumuno sa isang voice phishing syndicate, na nakatangay na ng mahigit US$840,000 mula sa kanilang mga biktima.

Si Kang, na isa nang undocumented alien matapos na kanselahin ang kanyang pasaporte, ay kasalukuyan nang nakapiit sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inaantabayanan ang kanyang deportasyon.

vuukle comment

BI

FSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with