^

Metro

‘Spaghetti’ pinagtatanggal, inayos sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente, pinagtatanggal ng Caloocan LGU at ng Meralco ang mga tinaguriang “spaghetti” o sala-salabat na mga wire ng kuryente sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang Anti-Urban Blight (AUB) ay isinagawa sa Katarungan St., Barangay 149 Bagong Barrio kung saan talamak umano ang mga nakalaylay na kawad ng kuryente at  mag illegal electrical connections.

Sinabi ni Malapitan na panganib ang dulot nito  sa mga residente tulad ng  sunog.

“Muli po tayong nagpapasalamat sa Meralco sa pagtulong sa pamahalaang lungsod na panatilihin ang kaligtasan ng mga mamamayan. Kasabay ng pag-aalis ng mga ilegal at buhol-buhol na koneksyon sa mga poste, mas ligtas din ang barangay sa mga aksidenteng makuryente ang mga dumaraan o sa mga kislap na maaaring maging mitsa ng sunog,” ani Malapitan.

Payo ni Malapitan sa mga residente na iwasan ang anumang mga electrical repairs at electrical connections lalo mga poste ng Me­ralco upang iwas-sunog. Mas makabubuti aniyang itawag ito sa kinauukulan at eksperto upang agad na maisaayos.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with