^

Metro

Pasig City bumagsak sa 9th place sa highly urbanized cities rankings

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pasig City bumagsak sa 9th place sa highly urbanized cities rankings
The Pasig City Hall.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Bumaba sa ika-9 na puwesto ang Pasig City sa 2024 Rankings of Highly Urbanized Cities sa ilalim ng Cities and Municipalities Competitive Index ng Department of Trade and Industry (DTI), na mas mababa kaysa sa ranggo nitong 6th place noong 2019.

Ang nasabing ranking ay nakabase sa total scores ng mga siyudad sa 5 pillars na economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation.

Ang Pasig City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Vico Sotto ay umani ng ika-9 na pwesto mula sa kabuuang bilang na 33 local government units (LGUs) sa buong Pilipinas na may kabuuang iskor na 43.7356%, mas mababa kaysa sa 2023 overall record nitong 44.5875% base sa website ng DTI.

Sa kategoryang economic dynamism na tumutukoy sa economic activity ng isang LGU, ang naturang siyudad ay nasa ika-8 puwesto na may iskor na 5.8656%. Ito ay mas mababa ng dalawang puwesto sa ranggo nitong 6th place noong 2019. Ang nasabing total score ay mas mababa rin sa 2023 record ng siyudad na 6.0307%.

Para sa government efficiency na may kinalaman sa kalidad at maaasahang government services at support, ang siyudad ay bumagsak mula 4th place noong 2019 papunta sa 10th place ngayong taon, na may total score na 11.2497%, mas mababa kaysa sa record nitong 11.8189% noong nakaraang taon.

Sa kategorya naman ng innovation, nasungkit ng Pasig ang ika-16 na pwesto sa iskor na 8.1345% ngunit mas mababa pa rin kaysa sa rekord nito noong nakaraang taon na 8.4298%.

Nasa ika-12 puwesto naman ang Pasig sa kategorya ng resiliency na may total score na 12.2316%, mas mababa ng ilang puntos kaysa sa 2023 record nitong 12.5480%.

Ang ranggo naman ng Pasig sa infrastructure ay nasa ika-12 puwesto mula sa ika-8 na puwesto nito noong 2019. Ang siyudad ay nakakuha ng total score  na 6.2542%, mas mataas ng ilang puntos sa record nito na 5.7601% noong 2023.

Ayon sa datos ng DTI, ang Pasig City ay nananatiling nasa 9th place sa magkasunod na taon ng 2023 at 2024 na nagdulot ng pagkakamit nito ng ika-8 na puwesto sa 2024 Most Improved Rankings para sa highly urbanized cities.

Kamakailan lamang ay ilang graft complaints ang isinampa laban kay Mayor Sotto at isang petisyon na naglalayong maglabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa kanyang bagong Pasig City hall project ang ibinasura ng korte.

PASIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with