^

Metro

AWOL na parak, 1 pa timbog sa shabu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
AWOL na parak, 1 pa timbog sa shabu
Agad na pinosasan ng mga pulis sa pangunguna ni Capt. Regie Pabdora ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sina alyas Joan, 37, AWOL na policewoman, at alyas Trudis.
Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang AWOL (absent without official leave) na policewoman at isa pa matapos na makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation nitong Miyerkules sa Valenzuela City.

Agad na pinosasan ng mga pulis sa pangunguna ni Capt. Regie Pabdora ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sina alyas Joan, 37, AWOL na policewoman, at alyas Trudis.

Isinagawa ang buy-bust dakong alas-4:20 ng hapon sa harap mismo ng tahanan ng mga suspek.

Ang pagkakaaresto sa mga  suspek ay bunsod ng ikinasang operasyon nang pagbentahan ng halagang  P2,000 cash ang  poseur-buyer.

Nasamsam ng pulisya sa dalawa ang humigit-kumulang sa 143.6 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P976,480.00 at mga drug paraphernalia, kabilang ang isang glass pipe na may bahid pa ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nabatid kay Maj. Jeraldson Rivera, hepe ng DDEU, halos isang linggo nilang minomonitor ang galaw ng mga suspek hanggang kumagat  sab’meet up’ na nag­resulta sa kanilang pagkakadakip.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with