^

Metro

PNP-AKG nagluluksa sa pagkasawi ng tauhan sa engkuwentro sa kidnappers

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagluluksa ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa pagkamatay ng isa nilang tauhan  sa engkwentrong naganap sa pagitan ng mga hinihinalang Chinese kidnapper sa Angeles, Pampanga, Sabado ng umaga.

Kabilang ang nasawing si P/Staff Sgt. Nelson Santiago sa mga operatiba ng AKG na nagligtas sa dalawang Chinese citizen na dinukot sa  Makati City noong Sabado ng umaga.

“The PNP Anti-Kidnapping Group stands united in grief, honoring the memory of our fallen comrade,” sa pahayag ng PNP-AKG.

Sinalakay ni Santiago at mga pulis ang hideout ng mga suspek sa Barangay Malabanias noong Sabado dakong alas-2 ng hapon. kung saan sumiklab ang shootout.

Nailigtas ang mga biktima at naaresto ang dalawang Chinese na suspek na sina Hu Kai at Ryu Don. Gayunpaman, sina Santiago at isa pang pulis ang sugatan sa palitan ng putok.

Dinala ang mga pulis sa isang ospital sa Angeles ngunit idineklarang dead-on-arrival si Santiago.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with