^

Metro

Lalaki todas sa hataw ng LPG ng kuya

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki todas sa hataw ng LPG ng kuya
Dead on the spot ang biktimang si Cesar Pedro Labao Daña, 50, driver, habang nasa kustodiya na ng Que­zon City Police District (QCPD) ang suspek na si Gabriel Labao Daña, 60, driver, kapwa stay-in sa BPTS Compound sa Brgy. Talayan, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang  lalaki matapos hatawin ng LPG (liquified petroleum gas) ng kanyang kuya nang  magkaalitan,  kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang si Cesar Pedro Labao Daña, 50, driver, habang nasa kustodiya na ng Que­zon City Police District (QCPD) ang suspek na si Gabriel Labao Daña, 60, driver,  kapwa stay-in sa BPTS Compound sa Brgy. Talayan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang  insidente dakong alas-9 ng gabi nitong Huwebes.

Lumilitaw na nag-iinuman ang magkapatid na biktima at suspek kasama ang iba pang kasamahan sa trabaho.

Nagulat na lamang ang mga katrabaho at saksi nang sitahin ng biktima ang suspek sa hindi malamang dahilan.

Nagsuntukan pa umano ang magkapatid  na naawat naman ng kanilang mga kasamahan. Dito na umalis ang biktima.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Cesar na may dalang lyabe at muling kinompronta ang suspek.

Bunga nito nagalit ang suspek at hinataw sa ulo ng superkalan na LPG ang biktima.

Agad na humingi ng saklolo ang mga saksi  na nagresulta rin ng pagkakadakip sa suspek.

vuukle comment

LPG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with