33 Chinese may konek sa POGO, idineport
MANILA, Philippines — Nasa 33 Chinese nationals na sangkot sa illegal POGO activities sa Pasay City kabilang ang isang sanggol ang inirekomendang ipadeport ng Presidential Anti - Organized Crime Commission (PAOCC) pabalik ng China.
Ang mga deportees ay binantayan ng mga tauhan ng PAOCC, PNP Aviation Security group at mga tauhan ng Chinese Embassy.
Isinakay ang mga Chinese nationals sa PAL flight PR-336 papuntang Xiamen, kahapon.
Ayon Kay PAOCC Usec Gilbert Cruz, pinoproseso pa ang iba pang mga Chinese na sangkot sa illegal activities para sa kanilang deportation pabalik ng China.
Malaki na rin anya ang nagagastos ng gobyerno sa mga Chinese lalo’t hindi sila pwede pabayaan dahil na rin sa kanilang karapatang pangtao.
Sinabi ni Cruz tuluy-tuloy ang kanilang pagsugpo sa mga illegal POGO hubs na kadalasan ay nasasangkot sa iba’t-ibang krimen na isa sa malaking pinoproblema ng gobyerno.
Ang mga ito ay kabilang sa mga scammer na nambibiktima ng kapwa nila Chinese at iba pang dayuhan sa bansa.
- Latest