^

Metro

7 Chinese arestado sa credit card fraud

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
7 Chinese arestado sa credit card fraud
Ang nadakip na pitong Chinese na sangkot sa credit card fraud.
Michael Varcas

Mga operatiba tinangkang suhulan

MANILA, Philippines — Pitong Chinese national ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na sangkot sa credit card fraud kung saan nagtangka pang suhulan ng mga ito ng nasa P1.5 milyon ang operatiba ng naturang ahensya.

Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago sa media ang mga suspek na sina Sun Jie, Lee Ching Ho, Jenny Pan, Zhao Zheng, Dong Jangua, Yuan Bien at Shap Wen Hu kasunod ng entrapment operations sa Parañaque at QC.

Ayon kay Santiago, ang entrapment ope­ration ay isinagawa matapos ang rekla-

mong inihain ng ilang indibiduwal na nagka- cashout ng pera ang mga suspek mula sa credit card ng mga biktima sa pamamagitan ng Point of Sale device (POS).

Dito pangangakuan ang may-ari ng POS ng 20 porsyento mula sa kabuuang halaga ng nakaw.

Bunsod nito agad na ikinasa ang entrapment operation noong Hulyo 27 ng umaga kung saan nadakip sina Sun Jie at Lee Ching Ho. Gabi naman nang magtungo sa NBI headquarters sa Quezon City ang iba pang Chinese at

sinuhulan ng P1.5 mil­yon ang mga ahente. Agad namang inaresto ang mga suspek.

Sa imbestigasyon ng NBI, lumalabas na bahagi ng isang transnational organized group ang mga nadakip na nag-o-operate sa Pilipinas at may modus na vishing, smi­shing, phishing, at click-baiting kung saan ang biktima ay umaabot hanggang Europe.

Sinabi ni Santiago, dahil sa ban sa POGO, nagkukumahog na ang mga grupong gaya nito na maghanap ng Point-of-Sale (POS) device para makuha ang pera ng kanilang mga biktima na mula sa offshore accounts.

Narekober din ng mga operatiba mula sa mga suspek ang ilang baril at isang high-grade na granada.

Nahaharap sa kasong paglabag Section 3(s) of RA No. 11449 (Access Devices Regulation Act) at Article 212 of the Revised Penal Code (Corruption of Public Officials) si Sun Jie at Lee Ching Ho habang paglabag sa Article 212 of the Revised Penal Code and RA No. 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunition Act) kina Jenny Pan, Zhao Zhenf, Dong Jianhua, Yuan Bien at Shao, Wen Hu.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with