^

Metro

Korean-American inaresto sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean-American na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa te­lecommunications fraud.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na sasakay na sana ang 37-anyos na si Jason Han Hsu sa isang Air Asia flight papuntang Osaka, Japan noong Hulyo 17 nang harangin siya at pinigilan sa pag-alis ng mga BI inspectors sa NAIA terminal 3.

Si Hsu, ay napapailalim sa red notice mula sa Interpol na nag-flash sa computer screen ng BI officer na nagproseso sa kanya sa immigration departure counter.

“Sa pagkumpirma na ang pasahero at ang paksa ng abiso ng Interpol ay iisa at pareho, nagpasya ang mga immigration supervisor na naka-duty na ipaaresto si Hsu,” sabi ni Tansingco.

Si Hsu, na may hawak na US passport, ay dinala sa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang mga paglilitis sa deportasyon.

Nabatid na mula Mayo 2018 hanggang Nobyembre 2019, nagtrabaho umano si Hsu sa isang voice phishing syndicate na nag-ooperate sa China, at tinarget na tawagan ang mga biktima nito sa Korea.

Ang mga biktima ay iniulat na sinabihan na maaari silang humiram ng malaking halaga ng pera sa mababang interes kung ipadadala nila ang halaga ng pera na balak nilang pautangin sa mga itinalagang bank account na pag-aari ni Hsu at ng kanyang mga kasamahan.

Tinatayang mahigit US$1.06 milyon ang kita ng sindikato sa pama­magitan ng nasabing raket.

Bilang resulta ng kanyang nalalapit na deportasyon, si Hsu ay inilagay sa talaan ng BI blacklist ng mga hindi kanais-nais na dayuhan at pagbabawalan na muling pumasok sa Pilipinas.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with