^

Metro

4 drug suspects, arestado sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 drug suspects, arestado sa buy-bust
Ang mga suspek ay kinilala lang sa kanilang mga alyas na ‘Paolo,’ 29, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng Brgy. Bangkal, Makati City; ‘G.I.’, 33, delivery rider, ng Brgy. Bangkal, Makati City; ‘Jack,’ 47, driver, miyembro ng ‘Sputnik Gang’, ng Brgy. Talipapa, Quezon City at ‘Tim,’ 33, call center agent, ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Apat na drug suspect ang inaresto ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Malate Manila nabatid kahapon.

Ang mga suspek ay kinilala lang sa kanilang mga alyas na ‘Paolo,’ 29, miyembro ng Sputnik Gang at residente ng Brgy. Bangkal, Makati City; ‘G.I.’, 33, delivery rider, ng Brgy. Bangkal, Makati City; ‘Jack,’ 47, driver, miyembro ng ‘Sputnik Gang’, ng Brgy. Talipapa, Quezon City at ‘Tim,’ 33, call center agent, ng Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Batay sa ulat ng Malate Police Station (PS-9) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Mabini St., sa Malate.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ile­gal na aktibidad ni alyas ‘Paolo,’ kaya’t kaagad na nagsagawa ng buy-bust operation.

Nang magpositibo ang operasyon ay kaagad na inaresto ang suspek at tatlo pa niyang kasamahan nang maaktuhang nag-iingat din ng ilegal na droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang may 52 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P353,600 at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with