^

Metro

Trabahador, nahulog sa tinungtungang container van, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang trabahador nang mahulog mula sa tinutuntungang container van sa loob ng Manila Harbor Center sa Tondo, Manila kahapon ng tanghali

Naisugod pa sa Tondo Medical Center ang biktimang si Randy Transmanio, trabahador ng load container yard, at residente ng North Bay Boulevard South (NBBS), Navotas City ngunit binawian din ng buhay dahil sa pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng Raxabago Police Station (PS-1) ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa loob ng Brightpoint Logistics Corporation, na matatagpuan sa loob ng Manila Harbor Center sa Tondo.

Sa salaysay ng testigong si Jumar, nabatid na bago ang insidente ay nakasakay ang biktima sa ibabaw ng isang container van at inaasistihan ang crane operator sa pag-aayos nito

Gayunman, dahil sa masamang panahon at malakas na hangin ay bigla umanong gumalaw ang container van na nagresulta upang mawalan ng balanse ang biktima at mahulog sa sementadong sahig.

Kaagad naman siyang naisugod sa pagamutan ng mga kasamahan ngunit nasawi rin.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with