^

Metro

LTO nagpasaklolo sa Viber sa plastic driver’s license

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakipag-ugnayan ang Land Transportation Office (LTO)  sa pamunuan ng Viber Philippines para ibalik ang access sa AksyOn the Spot hotline number na ginagamit ng ahensya para mapabilis ang pagproseso sa plastic-printed driver’s license.

Ayon kay LTO chief  Vigor D. Mendoza, alinsunod ito sa kautusan ni Transportation Secretary Jaime Bautista matapos na mawalan  ng access ang IT personnel ng LTO sa ­AksyOn the Spot hotline 09292920865 nang bahain ito nang mensahe para sa  printing ng driver’s license.

Noong July 18, ­umabot sa 9,000 ang nag-request ng plastic driver’s license.

“On behalf of the LTO, I sincerely apologized for this incident. Be rest assured that we will continuously work on this to restore our access and eventually facilitate the prin­ting of a plastic driver’s license of our kababayan,” ani Mendoza.

Ayon kay Mendoza, para sa mga humihiling ng dri­ver’s license, maaring magpadala lamang sa Vi­ber ng litrato o scanned copy ng  paper-printed driver’s license.

Maari aniyang kunin ang lisensya sa LTO Central Office sa Quezon City o ipadala sa courier service. 

“Tapos na po ang backlog sa plastic driver’s license kaya wala na dapat na mga motorista na gu­magamit ng papel na lisensya. Kaya on the part of the LTO, patuloy tayong gumagawa ng paraan upang mapabilis ang serbisyo natin sa ating mga kliyente, sa ­ating mga kababayan,”  dagdag ni Mendoza.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with