2 bebot tiklo sa P2.7 milyong shabu
MANILA, Philippines — Mahigit P2-milyong halaga ng shabu na nakalagay sa isang plastic bag na markado ng Chinese character ang nasamsam sa dalawang babae, sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, sa Taguig City, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto sa kanilang alyas na “Beth”,26-anyos; at “Claire”, 58-anyos.
Sa ulat ng Taguig City Police-Station Drug Enforcement Unit, alas-6:00 ng gabi ng Hulyo 17, 2024, sa Barangay Ususan, Taguig nang matagumpay na nakabili ang poseur-buyer sa suspek na si Beth, at bukod pa sa nabiling shabu, nasamsam ang iligal na droga na may label na “Guanyinwang” na plastic mula sa kasamang si Claire.Nasa kabuuang 400 gramo ng hinihinalang shabu katumbas ng P2,720,000, isang digital pocket scale, isang Realme cellphone, buy-bust money, boodle money, at isang Chinese plastic bag na may label na “Guanyinwang.”
Sasampahan ng reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 si Beth habang section 11 naman si Claire, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Naganap ang operasyon ng alas-6:00 ng gabi nitong Hulyo 17 na nagresulta sa pagkakasamsam ng may ?2,720,000 halaga ng iligal na droga.
- Latest