^

Metro

LGUs pinag-iingat ng Comelec vs illegal voter registrants

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Commission on Elections (Comelec) ang mga local government units (LGUs) laban sa illegal voter registrants lalo na ngayong papalapit ang 2025 elections.

Ang paalala ay ginawa kasunod ng pangamba ng ilang residente sa Malabon hinggil sa pagdami umano ng nagparehistrong mga botante mula sa iba’t ibang lugar partikular sa CAMANAVA area.

Nabatid na una nang hiniling ng mga residente sa Comelec na gumawa ng hakbang para maiwasan ang illegal voter registrants upang hindi mababoy ang midterm election.

Nais din ng mga residente na busisiin ng Comelec ang mga requirement na ipinapakita ng nagpapare­histrong “outsiders” para masigurong maiiwasan ang dayaan sa araw ng halalan.

Karamihan sa mga illegal registrant ay mga residente ng Navotas na dinala umano sa Malabon. Bukod sa Navotas ay may mga residente rin mula sa Caloocan City, Valenzuela City, Manila, Bulacan at iba pang lugar ang namonitor na nagpaparehistro sa Comelec para maging botante ng lungsod.

Samantala, hiniling din ng naturang nababahalang residente sa kapwa Malabonians na maging alerto, magmatyag at ireport, maki­pagtulungan sa Comelec para mapigilan ang non-city residents na maging botante sa Malabon.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with