^

Metro

Pagbaba ng share ng LGUs sa health spending, nais tugunan ng House panel

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gumagawa na ngayon ng mga hakbang ang House Committee on Health upang matugunan ang lumiliit na share o bahagi ng local government units (LGUs) sa total health expenditure ng bansa, kabilang na ang pagmandato ng  awtomatikong 5% na alokasyon para sa special health fund.

Bilang reaksiyon sa pag-aaral na may titulong “Philippine Health Sector Performance: An Analysis Using the National Health Accounts of 1990-2022” na kinumisyon ng Unilab Center for Health Policy (UCHP), isang programa sa ilalim ng UNILAB Foundation, kinilala ni Health Committee Chair, Rep. Ciriaco B. Gato Jr., ang iba’t ibang problema at isyu na may kinalaman sa health financing at patuloy na nagiging salot at nagbabanta sa healthcare network, sa kabila ng pagsasabatas ng Universal Healthcare Act, kabilang na ang kakulangan ng mandatory na alokasyon ng pondo  para sa health services.

Sa naturang UCHP study, pinuna ng mga doktor na sina Michael Mo, Orville Solon, at Alejandro Herrin ang lumiliit na health spending ng mga LGUs bilang isang pangunahing hamon sa pagkamit ng universal health care.

Ang pag-aaral ay iprinisinta sa UCHP executive symposium na ginanap noong Agosto 2 sa Sheraton Manila Bay at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa national government, local governments, Congress, health care providers, patients’ groups, at iba pang pangunahing stakeholders sa health sector.

Ito ay bahagi ng commitment ng UCHP na magkaloob ng forum sa palitan ng mga ideya para sa mas mahusay na implementasyon ng Universal Health Care policy sa bansa.

Bilang tugon, sinabi ni Gato na isinusulong ng House Committee on Health ang mga panukala na naglalayong palakasin ang special health fund sa ilalim ng UHC Act sa pamamagitan ng mandatory contributions ng mga LGUs upang matiyak ang sapat na resources para sa kalusugan, kabilang ang human resources for health.

“At present, the Department of Health and PhilHealth admitted during recent committee meetings that contributions to the special health fund by municipal and city LGUs are voluntary. Corollary to this, the committee is also deliberating on House bills that seek to amend the pertinent provisions of Republic Act 7160, otherwise known as the Local Government Code, on health financing. I wish to inform you that the committee is inclined to come up with legislative measures mandating LGUs to allocate 5% of their income for health,” ani Gato, sa mga UCHP symposium attendees.

Tiniyak pa niya na ikukonsidera ng Committee on Health ang UCHP findings sa health expenditures ng pamahalaan at isasama ito sa kanilang pagbuo ng mga polisiya upang masiguro na ang layunin ng World Health Organization (WHO) na magkaroon ng 5% total health expenditure bilang share sa GDP ay makakamit.

Sinabi pa ni Gato na iba pang paraan upang makamit ang universal health care para sa mga Pinoy, ay ang rebisyon ng benefits payment system ng PhilHealth, na nakasaad sa pag-aaral ng mga UCHP experts, sa pangunguna ni Dr. Valerie Gilbert Ulep, at may titulong “Provider Payment Governance in the Philippines: A Proposal”.

Nirepaso ng mga UCHP researchers ang benefits payment system at inalam kung paano ito mapaghuhusay para sa mas maayos na paggamit ng pondo ng PhilHealth, kabilang na ang paglipat sa diagnostic related groups (DRGs).

Pinag-aralan din nila ang ibang bansa, gaya ng Thailand, Australia at Germany, na matagumpay sa pagpapatupad ng DRGs.

Napag-alaman naman umano ng mga ito na maliban sa pag-shift sa DRGs mula sa case rates, ang Pilipinas ay dapat din umanong magkaroon ng independent arm’s length agency na siyang mangangasiwa sa paglalabas ng bayad sa mga Philhealth partner-institutions.

Ani Gato, ang pag-aaral ay nagbibigay sa kanila ng mas malinaw na larawan ng provider payment system sa bansa at kung paano ito magiging mas responsive sa pangangailangan ng mga Pinoy.

“Rest assured, that the committee will take into account this suggestion to establish a new system or a separate entity that sets case rates similar to models in other countries. I believe that this proposal can be included in the ongoing deliberations on the roles and responsibilities of PhilHealth and the Health Technology Assessment Council,” dagdag pa ni Gato.

Nagpahayag din si Gato ng pagpapahalaga sa Unilab Foundation at UCHP dahil sa pagdaraos ng mga natu­rang pag-aaral, dahil ang mga findings at rekomendasyon ng mga ito aniya ay, “highly valuable in our thrust to have evidence-based and data-driven policymaking, with the end goal of realizing universal healthcare.”

vuukle comment

HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with