^

Metro

Tirador ng motor, may granada tiklo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 24-anyos lalaki na sinasabing nangarnap ng motorsiklo at nakumpiskahan pa ng granada nitong Biyernes sa  Quezon City .

Ayon kay Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit (DACU) chief, PLt. Col. Hector Ortencio nada­kip   si Johairie Cabiran, 24, ng Kasiglahan, Rodriguez, Rizal habang tugis  ang kasabwat nito na si alyas “Raprap”  ng Pasay City.

Batay sa pagsisiyasat, Hunyo 28 nang nagreklamo ang biktima sa DACU kaugnay sa pagkawala ng kanyang Honda Click 125 na motorsiklo na nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa No. 3 Charles St., Doña Faustina II, Brgy. Culiat, Quezon City.

Agad namang nagsagawa ng sunod-su­nod na follow-up operations at backtracking ng mga CCTV camera sa lugar ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.

Bandang alas-2 ng hapon nitong Biyernes nang namataan ang mga suspek na sakay ng SUZUKI Raider sa Pasay City patungo sa Quezon City kaya sinundan ng mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay Cabiran habang nakatakas naman si Raprap.

Nabawi kay Cabiran  ang isang itim na bag na naglalaman ng ilang kagamitan at isang hand grenade, maging ang ninakaw na motorsiklo.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 10883, o ang New Anti-Carnapping Act of 2016, habang karag­dagang paglabag sa R.A. 9516 o Unlawful Possession of Explosive ang isasampa kay Cabiran sa Quezon City Pro­secutor’s Office.

vuukle comment

DACU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with