^

Metro

Bangka lumubog, 2 mangingisda nasagip — PCG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PGC) ang dalawang mangingisda matapos na lumubog ang sinasakyan nilang bangkang pangisda sa karagatang sakop ng Brgy. Santa Rita, Aplaya, Batangas City.

Kinilala ng PCG ang nasagip na mga mangi­ngisda na sina Cryel Tilo at Kimwell de Guzman, na namataang nakahawak sa magkabilang bahagi ng kanilang lumubog na bangka.

Batay sa ulat ng Coast Guard Sub-Station Batangas City, dakong alas-7:10 ng umaga nang makita nila ang paglubog ng FBCA Cyrose sa nabanggit na lugar.

Nauna rito, hinihila umano ng mga mangingisda ang kanilang hook line habang nanghuhuli ng mga isda, ngunit aksidenteng napunta ang dalawa sa isang bahagi lamang ng bangka sanhi upang lumubog ito.

 “It was revealed that they accidentally positioned themselves on one side of the banca while pulling their hook line to catch fish, causing the boat to capsize at around 7 a.m. of the same date,” ayon sa pahayag ng PCG. Nasa maayos naman nang kondisyon ang mga mangingisda habang nahila na ring pabalik sa pampang ang kanilang bangka.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with