^

Metro

Lady cop, nag-sideline bilang shoplifter timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lady cop, nag-sideline bilang shoplifter timbog
Nasa kustodiya na ng Ermita Police Station (PS-5) ng Manila Police District (MPD) ang pulis na si Pat. Crisanda Cruz, 33, miyembro ng Police Security Protection Group ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City, at residente ng Tondo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng pulis matapos na mahuling nagsa-shoplift sa isang department store  sa Ermita, Manila.

Nasa kustodiya na ng Ermita Police Station (PS-5) ng Manila Police District (MPD) ang pulis na si Pat. Crisanda Cruz, 33, miyembro ng Police Security Protection Group ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City, at residente ng Tondo.

Batay sa ulat  ng Ermita Police Station (PS-5) ng Manila Police District (MPD),  dakong alas-8 ng gabi ng Linggo nang maaresto ang suspek sa Department Store sa ground floor ng kilalang mall sa Ermita.

Nauna rito, pumasok umano sa naturang mall ang pulis at nang makuha ang ilang assorted items, na kinabibilangan ng mga kitchen wares, mga damit, laruan, pagkain at iba pa, ay kaagad nang lumabas ng department store nang hindi nagbabayad sa cashier.

Nakita naman ng alertong guwardiyang si Cesar Azarcon, 51, ang ginawa ng suspek kaya’t kaagad itong sinita.

Nang wala umanong maipakitang resibo ang suspek sa kanyang kinuha na nagkakahalaga ng P14,021.50, ay kaagad na siyang inaresto ng guwardiya at dinala sa presinto para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with