^

Metro

Lalaki kinatay ng fish vendor

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki kinatay ng fish vendor
Dead-on-arrival sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Lou Santos, 20, binata ng Brgy. Sta Monica Novaliches, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos na pagsasaksa­kin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng fish vendor kamakalawa ng gabi sa Novaliches, Quezon City.

Dead-on-arrival sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Lou Santos, 20, binata ng Brgy. Sta Monica Novaliches, Quezon City.

Tugis naman ng Que­zon City Police District (QCPD) ang suspek na si Joel Altura Manais, 51, residente ng Magno Subdivision, Brgy. Sta. Monica, Novaliches, Que­zon City.

Sa pagsisiyasat ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang insidente dakong alas-7 ng gabi sa harap ng Rhianne & Renan Lumpia Wrapper Stall sa Star Market, Dumalay St., Brgy. Sta Monica, Novaliches, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa saksi, abala siya sa paggawa ng lumpia wrapper nang mapansin niya ang tumatakbong biktima na hinahabol naman ng suspek.

Nadapa ang biktima at doon na ito inundayan ng saksak ng suspek sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang makitang naliligo na sa dugo ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksiyon.

Nagsasagawa naman ng follow up operation ang pulisya upang madakip ang suspek.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with